Division stakeholders ng Tayabas City, tumaggap ng pagkilala mula sa ‘iba’t ibang paaralan ng lungsod
Tumanggap ng sertipiko ng pagkilala ang mga stakeholders mula sa iba’t ibang paaralan sa Tayabas City na iginawad ni Tayabas Schools Division Superintendent Dr. Catherine Talavera, career executive service officer IV na kung saan isa na rito ang React Philippines Paglutas Group.
Ang REACT Paglutas ay isang pangkat ng mga mahilig sa komunikasyon sa radyo na handang gumawa ng boluntaryong gawain. Sila rin ay isang aktibong kasosyo ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas sa iba’t ibang gawain nito.
Ayon kay Joan Kathleen Brizuela, education program specialist II, ang programang isinagawa nila ay nasa ikatlong piging na pasasalamat para pasalamatan ang mga external at internal stakeholders.
“Locally, piging ng pasasalamat pero sa adopt-a-school program, siya ‘yong tinatawag na stakeholders recognition so taon-taon siyang ginagawa sa division ng Tayabas para pasalamatan ‘yong mga external at internal stakeholders na tumutulong upang magkaroon ng upgrading sa educational services and curriculum development sa division ng Tayabas City,” pahayag ni Brizuela.
Ayon pa sa kanya, mahalaga raw ang ginagampanan ng mga stakeholders sa kanilang lungsod.
“Napakahalaga po ng ginagampanan ng ating mga stakeholders sapagkat kung meron man pong pondo ang DepEd ito ay napupunta sa infrastructures at napupunta sa pasweldo and technically po pagdating sa school sa ating MOOE meron naman pong restriction kung saan lang siya pwedeng gastusin so dito po papasok ang ating mga stakeholders. Karamihan po ng ating school improvement services kagaya po sa amin ang amin pong strategic goals for 2019 is building healthy schools so ang ating mga stakeholders sa mga paaralan upang magkaroon ng handwashing area, gender segregated wash room.,” dagdag pa ni Brizuela.
Samantala, pinasalamatan din Brizuela ang tuloy-tuloy na pagsuporta ng division stakeholders at sa karatig nilang division.