DLL, Bukas Para sa mga Mag-Aaral na Mula sa Karatig Bayan at iba pa
Bukas ang DLL o Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena sa mga mag-aaral na mula sa karatig bayan at iba pang lugar sa Lalawigan ng Quezon.
Ayon sa DLL Faculty President Ryan Alemania na marami na din sa kasalukuyan na mag-aaral sa DLL ay nag mula sa mga ibang bayan.
“Meron pong mga taga ibang bayan na nakakapasok po talaga sa DLL at hindi naman po ito talaga isinasara ang pinto para dun sa mga iba pa pong kabataan marami na po.”
Aniya, buhat ng maupo ang Alkalde ng lungsod na si Mayor Dondon Alcala, ang DLL ay binuksan ang pinto para daw sa mga kabataang mag-aaral taga Quezon man o karatig Lalawigan.
Dagdag pa ni Alemania na ang isa pang salik upang tangkilikin ang DLL ay dahil sa pag kilala nito bilang isa sa HEI o Higher Education Institution.
Samantala, ayon naman kay Manong Nick Pedro na ang tagumpay na nakukuha ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena maliit man o malaki ay isang karangalan na dapat akuin dahil ito ay tatak Lucenahin.
“Itong karangalan natin na nakukuha gaano man ito kaliit o kalaki ng ating Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena ay isang bagay na hindi lang laurel sa balikat ng ating mga namumuno o may kaugnayan sa paaralan kundi ito po ay isang karangalan na dapat nating angkinin o dapat nating akuin sapagkat ito po ay tatak ng Lucenahin.”