News

Dolphin, napadpad sa dalampasigan ng Calauag

Natagpuang sugatan ang isang dolphin sa dalampasigan sa port ng Barangay Poblacion 3, Calauag, Quezon.

Ayon sa mga awtoridad, isang residente sa lugar ang nakakita sa dolphin dakong alas-4 ng hapon nitong Sabado.

May haba ang Fraser’s Dolphin na 7 talampakan.

Mahina na umano nang makita ang naturang dolphin at ilang minuto matapos nito ay binawian na rin ng buhay.

Agad na nagsagawa ng necropsy examination ang Animal Health and Welfare Division ng Office ng Quezon Provincial Veterinarian.

Kumuha ng sample ng organ mula sa dolphin ang opisina upang ipasuri sa laboratoryo ng Institute of Environmental Science & Meteorology (IESM) sa University of the Philippines (UP) – Diliman upang matukoy ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Umapela din sila sa publiko ang mga awtoridad na huwag lapitan ang mga mapadpad na hayop sa tabing-dagat dahil maaari pa itong makadagdag ng stress sa hayop sa halip ay i-report ito sa kanilang tanggapan.

Pin It on Pinterest