News

Drug Store sa Lucena City, Nasunog!

Hindi na mapapakinabangan ang lahat ng medical medicine at suplay ng isang drugs store sa Lucena City matapos ma-expose sa apoy dulot ng sunog.

Kaninang madaling araw, March 10, nasunog ang isang branch ng Mercury Drug Store sa Lucena City sa bahagi ng Merchan St. sa Brgy. 6. kung saan maraming gamot ang natupok ng apoy.

Batay sa guwardiya na naka-duty noong mangyari ang sunog, bandang alas 2:44 ng madaling araw nang makarinig siya ng alarm sa loob ng establisyimento, maya-maya pa nakita na niya ang usok mula sa loob na kaagad raw niyang itinawag sa kabilang branch upang humingi ng responde sa bumbero.

“Nag-alarm siya tapos maya-maya lumabas na ‘yong usok niya tapos yoon na ang nangyari,” sabi ng guwardiya.

Kaagad naman daw na rumesponde ang Lucena Bureu of Fire Protection. Medyo naging pahirapan nga lang daw sa mga bumbero ang pagbomba ng tubig  sa loob at kinakailangan pang baklasin ang roll up door ng tindahan.

Masuwerting hindi nadamay ang mga kalapit na tindahan. Wala namang napaulat na nasaktang sa pangyayari.

Dalawang fire truck ng Lucena BFP ang rumesponde. Batay sa BFP, umabot sa unang alarma ang sunog at 3:20 ng madaling araw nang maideklara itong fire out.

Kaninang umaga tumambad sa ilang bibili sana ng gamot sa naturang drug store ang bakas ng trahedya. Ang mga storage ng mga gamot halos malusaw. Habang ang kisame ng bubong ay sunog at maraming kable ng kuryente ang natupok.

Kung ano ang sanhi ng sunog, patuloy pa raw na ng iniimbestigahan. Sa paunang imbestigasyon, tinatayang hindi bababa sa isang daang libong piso ang pinsala.

Ngayong buwan ng Marso, bilang fire prevention month, dalawang sunog na ang nangyari sa Lucena City. Una nang ipinanawagan sa publiko ng Lucena City Bureau of Fire Station na doblehin ang pag-iingat upang maiwasan ang trahedya ng dulot ng apoy na maaring kumitil sa buhay at sumira sa ari-arian.

Pin It on Pinterest