DSWD IV-A, patuloy ang pagsasagawa ng malawakang Validation Activities para sa mga bagong 4Ps beneficiaries
Patuloy ang pagsasagawa ng DSWD Field Office IV-A ng malawakang validation activities para marehistro ang mga bagong household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Sa CALABARZON Region, target ng Departamento na masuri ang higit sa 150,000 potential household-beneficiaries sa pamamagitan ng mga pagtitipon sa komunidad at mga pagbisita sa bahay-bahay.
Ang mga potential beneficiaries ay tinutukoy ng DSWD sa pamamagitan ng listahanan targeting system.
Ang mga household na ito ay kinilala bilang mahirap at may mga anak na zero hanggang 18 taong gulang at/o isang buntis na miyembro sa oras ng assessment ng listahanan.
Sa pakikipag tulungan ng LGU sa DSWD makikita ang listahan ng potential beneficiaries sa mga barangay.
Ang validation ng mga potential beneficiaries ay ang paunang hakbang sa pagpaparehistro ng mga households sa 4Ps upang masuri ang pagiging kwalipikado ng mga households bilang mga benepisyaryo ng programa.
Isa rin ito sa mga proseso ng programa na nagtitiyak na tanging mga kwalipikadong mahihirap na households lamang na handang sumunod sa kanilang mga katuwang sa responsibilidad sa programa ang kasama sa 4Ps.
Mula nang magsimula ang validation noong February 2023, hindi bababa sa 80,000 potential 4Ps household ang na-validate sa buong rehiyon.