DTI Assessors katuwang sa pagsiguro ng kalidad ng mga produkto sa merkado
Sa patuloy na pagsisiguro ng magandang kalidad ng mga produktong binibili ng mga mamimili sa CALABARZON Region at sa buong bansa, nagsagawa ng product audit ang Department of Trade and Industry sa Lungsod ng Antipolo sa Lalawigan ng Rizal. Kabilang sa taunang aktibidad ay nagtungo ang DTI Assessors sa pangunguna ni Ms. Cleotilde Duran sa isang gawaan ng semento upang suriin ang mga produktong ibinebenta nito sa merkado. Ang pagsusuri ay upang makita kung ang establishment o isang negosyo at nakakasunod sa Product Certification Scheme na kinabibilangan ng iba’t ibang international standards at lokal na standard na ipinapatupad sa buong bansa.
Ayon sa DTI Calabarzon Office ay patuloy silang magsasagawa ng mga pagsusuri sa iba’t ibang bahagi ng kanilang nasasakupan sa CALABARZON Region upang masigurong sumusunod sa batas ang mga manufacturer, distributors at retailers upang sa huli ay mga mamamayan o consumer ang siyang magiging panalo dahil sa tamang kalidad na produkto ang kanilang mabibili.