News

DTI Kapatid Mentor Me Program nagtapos sa Lalawigan ng Batangas

20 mentees ang nagtapos sa ilalim ng DTI Kapatid Mentor Me program sa Lungsod ng Lipa na ginanap sa isang hotel sa lungsod. Bago ang pagtatapos, nagsagawa muna ng business improvement presentation plan ang bawat mentees. Ipinakita ng mga ito ang nais nilang maisama sa kanilang negosyo. Nagbigay sila ng mga ideya kung paano mas mapapaganda at magiging mas mabenta sa merkado ang kanilang mga produkto. 14 na panelist naman mula sa academe at business sector ang nagsilbing tagapayo ng mga mentees batay sa presentasyon na kanilang ginawa. Nagbigay ng komento at inputs ang mga panelists upang mas mapaganda at makilala ang mga produkto ng mga ito.

Ayon kay DTI Batangas OIC Director Marissa Argente, natutuwa sila dahil natapos ng mga participants ang kanilang programa. Noong una, ayon kay Argente, ay nag-alangan sila dahil may dalawang mentees na nagsabi na hindi na kayang ituloy ang programa kaya’t naghanap sila ng dalawa pang maaaring ipalit upang mabuo ang 20 mentees ng Mentor Me program. Natuwa naman ang mga panelist sa nai-presenta ng mga mentees dahil nakita ng mga ito ang mga natutunan ng mga sumailalim sa training ng DTI.

Pin It on Pinterest