News

e-Patrol ng LTO Dadalhin sa Perez, Quezon; Pagrerehistro Hindi na Kailangang Tumawid ng Dagat

Kinumpirma ng LGU ng Perez, Quezon na itutuloy ng Land Transportation Office Region 4A ang pagpapadala ng kanilang mga tauhan sa island municipality para sa isang Theoretical Driving Course para sa mga Alabatin na nais mag-apply ng student permit o mag-renew ng kanilang mga lisensya para makapag-maneho ng sasakyan. Oras daw na magtungo na ang mga kawani ng LTO Region 4A ay magkakaroon na rin ng posibilidad na makapag-renew ang mga residente ng bayan ng kanilang mga sasakyan. Magdadala daw kasi ayon pa sa Perez LGU ang mga taga-Regional office ng LTO sa lokal na opisina nito sa Alabat ng mga kagamitan upang pwede nang iparehistro ang mga sasakyan na nasa island municipality ng hindi na dadalhin pa sa mainland Quezon.

Pinagpaparehistro ang mga intresadong mag-apply ng student’s license at renewal ng rehistro ng sasakyan sa isang online registration. Hinihikayat din ang mga mamamayan na tulungan ang kanilang mga kababayan na hindi gaanong sanay o walang access sa internet na ipag-rehistro o ipag-fill up sa online forms. Oras na matuloy ay mase-serbisyuhan ng LTO R4A e-Patrol ang mga bayan ng Perez, Alabat at Quezon, Quezon.

Pin It on Pinterest