EditoryalOpinion

Echoing the message…

 

Ang sumusunod po Mr. Presiding Officer, mga kasama ay isang panalangin sa nakaraang Kapaskuhan. Inakda kamakailan ng kababayan nating dating NEDA Director General Cielito F. Habito na ipinublika sa kanyang kolumn sa dyaryong Philippine Daily Inquirer. Isinalin lang po ng inyong lingcod sa wikang Filipino mula sa orihinal na ingles.

            “Panginoong Hesukristo, na ang pagkasilang sa pamamagitan ng banal na Inang Maria, ay pagpapamalas sa sukdulang pag – ibig sa atin ng pinaka – makapangyarihang Diyos Ama. Pinapupurihan Ka namin at pinasasalamatan sa pagbibigay halimbawa kung paano dapat mabuhay sa maigsing panahon namin sa sanlibutan. Kahit ang halos tatlong dekada lamang na pagkabuhay Mo sa daigdig ay higit pang maigsi sa amin. Pinutol ng kabuktutan ng tao na manipestasyon ng mismong mga kasalanan kung saan kami nakatakda Mong tubusin. Kasama ng Ama at ng Banal na Espiritu, bilang kumakatawan sa Trinidad, ay karapat dapat sa lahat ng aming mga pagpupuri at adorasyon, dahil ikaw ang bukal ng lahat ng kabutihan – sa pagbibigay ng tuwa sa amin, ng suporta sa mundo kung saan ang puwersa ng kasamaan ay patuloy na nagpapahirap sa amin at nagtataboy palayo sa Iyo. Patawarin Mo kami, Panginoon, sa paulit – ulit na pagpayag na mapangunahan ng mga puwersa ng kadiliman, laban sa iyong panawagan na mahalin Ka mula sa kaibuturan ng aming puso, ng lahat naming kakanyahan, ng buong lakas at kaisipang namin kaparis din ng dapat na pagmamahal namin sa iba, at sa sarili.

            Patawarin mo kami sa mga ginawang kasalanan, lalo na sa pagsasara ng isip at puso sa perspektibo, o sa mga gawi at persuwasyon ng iba. Sa mga mabibilis na pagbabalewala, o pag – hatol at di makatarungang pagpaparusa kaya sa mga di umaayon sa aming paniniwala o pagpapahalaga. Dahil nakalimot kami na sa harap ng aming kaibahan sa kapwa, ay iisa naman kami bilang Iyong mga anak.

            Patawarin Mo kami kung sa aming pagsasalita ay pinaniwalaan ng iba ang aming kasinungalingan, sinasadya man o hindi. Lalo na kung umabot sa punto ng pagkasira sa buhay o kinabukasan nila! Patawarin Mo kami sa pagkamkam ng di karapatdapat na bahagi ng ipinagkaloob mong yaman sa aming bansa na may kalakihang hindi kakamtin ng mga sa simula pa lang ay walang sadyang kakayahang makabahagi. Dahil sa huli ay higit itong mag – papalawak sa malaki ng agwat ng di pagkakapantay – pantay.

            Patawarin Mo kami kung mabigo bilang responsableng tagakalinga ng mga likas na yaman na katangi – tanging pagpapala Mo sa aming bansa. Patawarin Mo kami, kung kagyat naming makamit      ang hindi naman para sa amin lalo na kung para naman pala ito sa mga karaniwang tao, sa publikong yaman o kahit pa sa pag – aari lang ng kapitbahay.

            Patawarin Mo rin kami, sa mga kasalanang bunga ng omisyon. Tulad ng di pagkakaloob ng gantimpala sa mga manggagawa namin. Sa pagkabigong kilalanin na sila ang dahilan ng pagsulong – ng aming kumpanya o negosyo, sakahan kaya, o ng tahanan. Mahihinto ang lahat kung wala sila. Na ang ating kaginhawahan at pamumuhay ay nakasalalay sa kanilang sipag.

            Patawarin Mo kami kung tinitingnan lang namin sila bilang bahagi ng produksyon at hindi bilang kapwa tao. Patawarin Mo kami kung tumitingin ng bulag ang mata, o bingi kaya sa mga daing ng sakit, o ng pagdurusa at pangangailangan ng paligid natin. Lalo pa kung may kakayahan namang mag-abot ng kamay ng pagtulong, o ng katuwang na bisig, pati ng tengang sisimpatiya sa pakikinig. Patawarin Mo kami sa pagpikit sa harap ng kasamaan at pang aapi na nagaganap sa paligid namin. Kahit nakamulaga na dito o sadyang di pinapansin. Tinatanggap ng basta na lang tahimik at may submisyon, dahil sa takot sa ganti, o kaayawang “maliglig ang bangka” o “sumagupa kaya sa agos.”

            Salamat po, Panginoon naming Diyos, na sa harap ng aming mga kasalanan at pagkukulang, ay patuloy Mo kaming maalwang pinagpapala ng likas na yaman, may kakayahang maglinang ng pangangailangan at tibay ng pagkatao. Salamat po sa napakaraming oportunidad na ipinagkaloob Ninyo sa amin para maiangat ang aming pamumuhay, at makapagkamit ng totoong saya at ligaya. Pati na sa di karaniwang abilidad na harapin ang lahat kahit sa gitna ng mahirap na sitwasyon.

            Salamat po sa pagkakaloob sa amin ng mga katangiang positibo na nagbibigay lakas at nagpapalapit sa kapwa. Kasabay ng dalanging magkaroon ng kakayahang lagpasan at iwaksi ang mga negatibong kakanyahan at pagpapahalaga na pipigil sa amin para harapin ang mga oportunidad na inihahanay Ninyo sa amin.

Sa huling bahagi ng dasal na ito Panginoong Jesus, idinadalangin po namin, ang mga matataas na lider hanggang sa mga higit na mababa pa sa amin, matagpuan sana namin sa aming mga puso na baguhin ang kaibuturan ng sarili, at magsigasig na gayahin Ka sa lahat ng aming pag – iisip, sinasabi at ginagawa: na matawid sana namin ang malalim na pagitang sosyal, kultural, politikal, at ekonomikong pagkakaiba – iba. Makamit ang tunay na pagkakaisa ng bansa – kumilos na nananampalataya para sa kabutihan ng lahat ng Filipino, para sayong higit pang kadakilaan at karangalan.”

I will not elaborate any further Mr. Presiding Officer. I am is but an echo of a message that I feel is needed to be shared. A blessed new year for us all! Thank you.

 

Pin It on Pinterest