News

Edad ng pagiging senior citizen, isinusulong na maibaba

Kung ang ilang ordinaryong mamamayan ang tatanungin, payag silang pababain ang edad ng pagiging senior citizen sa bansa upang kahit paano raw ay mapakinabangan namaan nang mas maaga ang mga benepisyo ng mga nakakatandang sektor.

“Mas maganda po kahit naman sino ay a-agree doon, mas maganda mas mapapakinabangan ‘yung mga discount,” sabi ni Kristine.

Mainam daw ito, sabi naman ni Aling Susan. Kahit paano maagang mapapakinabangan ang mga benepisyo lalo na sa panahon ngayon na mataas na ang presyo ng mga bilihin, maging ng mga gamot at iba pang serbisyo.

“Sa mahal ng bilihin ngayon para mapakinabangan na ang mga benefits ng mga senior,” saad ni Aling Susan.

Ang sabi naman ni Nanay Ruby, mas maagang mapakinabang, mas mainam, lalo’t marami raw ang namamatay ngayon ang hindi man lang umaabot sa 60 years old.

“Maigi yoon, maaga mang mamatay ang tao ngayon para mapakinabang ang mga discount,” sabi ni Aling Ruby.

Mula sa 60-anyos gusto ni Senator Bong Revilla na maibaba sa 56-anyos ang edad ng kikilalaning senior citizen sa bansa.

Katuwiran ni Revilla sa paghahain niya ng Senate Bill No. 7432, mas marami ang magiging benepisyaryo ng mga benepisyo na nakasaad sa RA 7432 o ang Senior Citizens Act.

Base sa umiiral na batas, 20 porsiyentong diskuwento ang ibinibigay sa mga senior citizen at VAT-free din ang kanilang mga gamot, pasahe sa mga pampublikong sasakyan, at medical supplies, bukod sa pagkain.

Mayroon din silang 5 porsiyentong diskuwento sa bayad sa kuryente at tubig. Nakasaad din sa panukala ang paglalaan ng ‘priority seating’ sa mga nakakatanda sa mga establisyemento.

Pin It on Pinterest