El Pasubat festival sa bayan ng Taal
Nag umpisa na ang taunang El Pasubat festival sa bayan ng Taal sa Lalawigan ng Batangas. Ang El Pasubat na ang ibig sabihin ay Empanada, Longanisa, Panuntsa, Suman, Balisong, Barong Tagalog, Tapa, Tamales, Tawilis, Tulingan ang siyang mga pangunahing produktong kilala ang bayan ng Taal. Katuwang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan ng Taal ay pribadong sektor, ipinakita sa El Pasubat ang naggagandahang floats at mga street performers sa pangunahing lansangan ng Taal. Mayroon ding mga stalls na nagbebenta ng mga pangunahing produkto ng bayan para makapamili ang mga lokal at internasyunal na turista.
Taunang isinasagawa ang El Pasubat upang lalong makilala ang kanilang produkto at makapag-hatid ng mas malaking oportunidad para sa mga negosyante ng bayan. Lumilikha rin ng iba pang pagkakakitaan para sa mamamayan ng Taal ang festival dahil sa mga turistang dumarayo para saksihan ang El Pasubat at pumunta sa mga makasaysayang lugar ng Taal.