Environment Month isineselebra tuwing Hunyo, mga aktibidad inilatag
Ipinagdiriwang ngayong buwan ang ‘Environment Month’ sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may temang ‘Connecting People to Nature.” Ayon kay Ms. Julieta Abuejela ng Provincial Environment and Natural Resources Office sa Lalawigan ng Quezon ay base sa Proclamation No. 237 na nilagdaan ni dating Presidente Corazon Aquino noong 1988 ang pagdedeklara ang buwan ng Hunyo bawat taon bilang ‘Environment Month.’
Kabilang sa mga aktibidad ng DENR-PENRO sa lalawigan ay pamamahagi ng special patents na napapaloob sa pampublikong lupa. Kinabibilangan ito ng school sites, day care centers, basketball court at kinatatayuan ng mga opisina ng national agencies. Kabuuang 34 patents ng school sites ang ipamamahagi sa June 21 na gagawin sa Sevilla’s Resort, Brgy. Domoit Lungsod ng Lucena.
Nagdaos din ng pagsasanay ang PENRO Quezon para sa mga municipal environment and natural resources officers, kagawad ng bayan na humahawak sa environment committee, barangay captains, people’s organizations at non-government organizations sa nasasakupan ng CENRO Pagbilao at Catanauan.