News

Evacuation Center gagawin sa Tanauan City

Nakipag ugnayan na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Designs sa mga lokal na opisyal ng Tanauan City sa Lalawigan ng Batangas para sa proyekto nito na itatayo sa lungsod. Ayon sa opisina ni Mayor Antonio Halili ng Tanauan City, nakatakdang itayo sa kanilang lungsod ang isang Regional Evacuation Center ng DPWH. Base sa ipinrisinta ng mga taga DPWH, ang Evacuation center na gagawin sa lungsod ay kumpleto ang pasilidad para sa panahon ng kalamidad na magagamit ng mga taga-Tanauan at kalapit na lugar. Mayroong dalawang palapag na gusali para sa akomodasyon ng mga tao. Magkahiwalay na comfort rooms laundry and drying building na mayroong tangke ng tubig sa ibabaw para sa mga gagamit.Mayroong pasilidad para sa generator at pump at pasilidad para sa pangangalaga ng sanitasyon at kalinisan ng evacuation center.

Ang Reginal Evacuation Centers ay itatayo upang maging permanenteng gusali para tuluyan ng mga taong naapektuhan nag anumang kalamidad. Layunin din nitong hindi makaapekto sa mga eskwelahan at iba pang pampublikong istruktura upang maging tuloy tuloy ang serbisyo ng mga ito. Ipinasama ni Sen. Loren Legarda sa 2016 National Budget ang pagko-construct ng apat na permanent evacuation buildings sa bawat rehiyon sa buong bansa na gagamitin sa oras ng kalamidad. Sa disenyo ng mga gusali ay ia-adopt ang green design upang maging friendly sa kalikasan at matipid sa mga resources katulad ng pagkonsumo ng kuryente.

Pin It on Pinterest