Farmer’s Field School para sa magsasaka ng Tanauan City inumpisahan na
Pormal na inilunsad ng lokal na pamahalaan ang isang Farmers’ Field School (FFS) para sa mga magsasaka ng mais sa lungsod ng Tanauan kamakailan. Pinangunahan ng Office of the City Agriculturist, katuwang ang Office of the Provincial Agriculturist at Department of Agriculture- Regional Field Office IV-A, sasailalim sa labing-dalawang (12) “weekly training sessions” na magtatapos sa September 5 ngayong taon ang halos 200 magsasaka mula sa mga barangay ng Luyos, Malaking Pulo, San Jose, Bilog-bilog, Sulpoc at Santor Lungsod ng Tanauan.
Ang programang ay naglalayong maipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng “Corn ICM Technology” sa mga may sakahan ng mais; makapagbigay ng sapat na kaalaman sa bawat yugto ng paglaki ng itinanim gayundin ang mga posibleng peste at sakit na maaaring umatake at kung papaano ito maiiwasan; tamang paggamit ng “organic” at “inorganic fertilizers” at pagpili sa mga “pest resistant varieties” ng mais.
Isa ang Tanauan sa pangunahing pinagmumulan ng mais sa lalawigan ng Batngas partikular ang Lagkitan o “White Corn,” pero dumaranas pa rin ang mga magsasaka ng mababang kita dahil sa kakulangan ng kaalaman kung paano haharapin ang mga peste na pumipinsala sa kanilang pananim.