News

Filing ng COC sa Lucena City, live na mapapanood sa official social media account ng Lucena COMELEC

Para  masaksihan ng  publiko, planong i-live sa social media platfom ng Lucena City COMELEC ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga nais kumandidato sa Lungsod ng Lucena, para sa 2022 election simula October 1-8, 2021, mapapanood ito ng live sa official facebook account ng COMELEC Lucena.

Ayon kay COMELEC Lucena Chief Atty. Ana Mei Barbaceba “as much as posible kung okay na bukas i-la-live na namin ‘yong filing ng COC (certificate of candidacy) para hindi naman sa nakakakita may access sila sa Comelec web page.”

Sinabi ng Lucena Comelec Election Officer na hindi papayagan ang coverage ng media sa Loob ng kanilang opisina kung saan gaganapin ang filing ng COC. Pero maglalagay naman daw sila ng designated area para sa mamamahayag sa labas ng kanilang tanggapan. Limitado lamang daw sa dalawa ang maximum na maaring isama sa loob ng opisina ng mga maghahain ng COC. “Independent man o may party, maximum ng dalawa lang puwedeng nilang kasama sa ating opisina.” Sa mga lokal,  sinabi ni Barbacena, hindi na daw kailangan  mag sumite ng negative swabtest result ang mga maghahain pero may mga health and safety protocol na kailangang gawin ng mga magpa-file.     

Ang makikitaan ng sintomas ng sakit, irerefer sa health office, papayagan naman daw ang awtorisadong representante para sila ang magfile ng COC. “Ang mangyayari po i-rerefer po natin sila sa health office.” Handa ang COMELEC Lucena  para sa filing, nakapag-coordinate na raw sila sa PNP, IATF at City Health office, nagbigay narin daw  sila sa mga ito ng guidelines upang alam ang panuntunan sa paghahain ng COC.

Pin It on Pinterest