Financial Assistance sa mga Solo Parents sa Atimonan, Quezon, pasado sa SP Quezon
Aprubado sa ikalawang pagbasa ng Sangguaniang Panlalawigan ng Quezon ang isang Ordinansa sa Bayan ng Atimonan, Quezon na magbibigay ng financial assistance sa mga solo parents’ ng kanilang Munisipalidad.
Sa ilalim ng committee on Social Welfare na pinamumunuan ni 2nd District Board Member Vinnette Alcala-Naca matapos na isailalim sa komitibang pagdinig ang Municipal Ordinance No. 2023-375 of the Municipality of Atimonan, Quezon, na may pamagat na “An Ordinance Institutionalizing the Programs, Services, Privileges and Benefits for Solo Parents and their Children and Appropriating Funds thereof and for other purposes pursuant to republic act 8972, otherwise known as the Solo Parents Act of 2000” ay unanimously approved sa deliberasyon sa Regular na Session ng Sangguaniang Panlalawigan ng Quezon noong umaga ng Marso 27.
Sa Paguulat ni Bokal Naca sa Plenaryo, may 700 na solo parent sa Bayan ng Atimonan 20 dito ang nakakatangap ng 10 thousand na cash assistance ito raw ay mga lehitimong indigent na solo parent sa naturang lugar subalit ang mga natitita bilang na rehistradong solo parent ay makakatanggap ng 5 libong piso onetime sa bisa ng ordinansa.