News

Fire Prevention Month Activity Sinimulan na ng Quezon BFP

Ngayon buwan ng Marso na ititunuring na Fire Prevention Month mas maigting ang panawagan ng Bureau of Fire Protection sa publiko hingil sa pag-iingat upang maiwasan ang sunog.

Kaninang umaga, sa unang araw ng buwan Marso, nagsanib puwersa ang mga ng bumbero mula sa iba’t ibang Fire Station sa buong Lalawigan ng Quezon para makiisa sa Simultaneous Nationwide Prevention Month 2022 Activity na may tema ngayong taon na “Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa”.

Sa kick-off ceremony ng fire prevention month ng Quezon BFP, mula sa bayan ng Candelaria patungong Lucena kung saan ginanap ang maiksing program. Ipinarada ng ahensya ang ilang  fire truck habang tumutunog ang sirena bilang paalala sa mamamayan na ngayong buwan ng Marso, sa mainit na panahon ay kailangan ang mas maigting na pag-iingat upang maiwasan ang sakuna dulot ng apoy.  

“Kung mag-iingat po tayong lahat malaking t’sanya na hindi tayo makakaranas ng ganitong kalamidad,” ani Quezon Provincial Fire Dir. Supt. Rowena Gollod.

Sinabi ni Quezon Provincial Fire Dir. Supt. Rowena Gollod ang fire prevention ay paghahanda hindi lang nilang mga bumbero maging ng mamamayan. Ang usapin ng trahedya na dala ng sunog ay everybody’s concern, kaya nananawagan sila sa mamamayan na makipagtulungan sa kanilang mga programa upang maiwasan ang sakuna.

‘’Lagi po nating tandaan na hindi po talaga biro ang masunugan, so tayo pong lahat ang fire safety po is everybody’s concern hindi lang po ng BFP bagkus tayong lahat po ay involved dito,” sabi ni Gollod.

Suportado ng pamahalaang panlalawigan ang nasabing aktibidad, dumalo sa program si Quezon Governor Danilo Suarez bilang pagkikiisa sa panawagan at paalala ng BFP sa mamamayan sa pag-iwas sa sunog.

“Fire prevention is a everyday activity, dapat ay pinapangalagaan natin ang kaligtasan ng ating ari-arian at buhay,” sabi ni Gov. Suarez.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga pinuno ng DDRMO sa lalawigan. Taong 1966 pa nang simulan ng BFP ang taunanng pagdiriwang  ng Fire Prevention Month na layong maiwasan ang pinsalang dala ng sunog  sa ari-arian, buhay at kabuhayan ng mamamayan.

Pin It on Pinterest