News

First 100 days ni Mayor Mark Alcala, iniulat

Ilan sa mga ibinida ni Lucena Mayor Mark Alcala sa kanyang mga nagawa bilang alkalde ng siyudad sa loob ng isang daang araw na panunungkulan buhat nang mahalal ay ang VIP ka program na nakapaloob sa Executive Order No. 1 Series of 2022 ang kaunahang executive order na kanyang nilagdaan bilang Mayor.

Layunin nito na itrato nang pantay-pantay ang lahat ng nagtutugo sa city hall para sa iba’t ibang transaksyon. Walang mayaman, walang mahirap, dapat pakitunguhan ng mga government employees nang may ngiti ang mamamayan.

Sa loob ng isang daang araw, nakapagbaba ng iba’t ibang serbisyo ang iba’t ibang opisina ng LGU sa 33 barangay sa siyudad. Si Mayor Alcala at ang mga hepe ng mga government offices ang mismong naglapit nito sa kominidad at mamamayan. Ito ang programang City Hall sa barangay o People’s Day.

Iniulat din ang ginawang Executive -Legislavive Agenda Formulation ng Lokal na pamahalaan, mga plano ng LGU sa loob ng tatlong taon tungo sa higit na kaunlaran na nakalinya sa Mayors 7-Point Agenda.

Ganun din ang Creation of Local Economic Development and Investment Promotion. Pagpapatupad ng mga plano sa mga Investment Priorities ng Local Government Unit ng Lucena City.

Isa rin sa ipinagmalaki ng batang alkalde ang paglulunsad sa siyudad ng Lucena City Command Center, isang state of the art monitoring and control hub na may 179 CCTV cameras na mayroong city-wide surveillance at night vision system, facial recognition, people counting at license plate recognition at Eagle Eye, isang camera na kayang umikot ng 360-degree makikita nito ang kaganapan sa halos kabuuan ng siyudad.

Mapapbilis daw nito ang pagtugon sa ano mang uri disaster sa pamamagitan ng isang emergency mobile application.

Nakapaglunsad ang lokal na pamahalaan ng Movement Against Malnutration (MAMA) na tumutugon ngayon pagbababuti ng kalusuga ng mga batang malnourished.

Ipinatupad din sa lungsod ang tamang pagbubuwis o tax collection. Nakapag-generate ang LGU ng 34-M pesos sa Tax Amnesty on Real Properties.

Tinugunan din sa loob ng isang daang araw ng panunungkulan ng alkalde ang usapin ng pasahe sa mga pumapasadang tricycle sa lungsod, nakapagpasa na bagong taripa.

At libreng pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng mga school supplies sa mga estudyanteng Lucenahin.

Ilan lamang yan sa highlight na mga nagawa ni Mayor Mark sa kanyang isang daang araw na pag-uulat sa mamamayan buhat ng ito ay maupo bilang punong-lungsod.

Ayon dito mahalagang maramdaman ng mamamayan ang dekalidad na serbisyo ng pamahalaang lokal.

Pin It on Pinterest