Flag Raising Ceremony ng Tayabas LGU sa harap ng Bagong City Hall, makasaysayan
Isang makasaysayan sa Lungsod ng tayabas ang naging tagpo noong araw ng Lunes April 17, 2023 kung saan isinagawa ang unang flag raising ceremony ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal harap ng kanilang bagong Tayabas City Hall.
Nagtipon ang humigit-kumulang 2,000 lingkod bayan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa seremonya ng pagtataas ng bandila at pag-awit ng Lupang Hinirang na pinamahalaan ng Office of the City Planning and Development Coordinator.
Dinaluhan ang makasaysayang seremonya ng mga halal na opisyal ng Lungsod sa pamumuno ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, at mga miyembro ng kanilang Sangguniang Panglungsod at iba pang opisyal.
Sa seremonya ay nagkaroon ng pagtatanghal ng pampasiglang bilang mula sa host department, mga patalastas mula sa iba’t-ibang tanggapan at paggagawad ng parangal buhat sa Tayabas City Police Station.
Madamdamin ang pangwakas na pananalita ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kaugnay ng naisakatuparang legasiya ng kanyang yumaong ina na si Mayor Ernida Agpi Reynoso. Ito aniya ay pangarap ng namayapang Punong Lungsod na ngayon ay siya na ang sumalo ng responsibilidad at pamamalakad. Nawa aniya ay pangalagaan ito ng mga kawani, panatilihing malinis, payapa at kapaki-pakinabang lalo na sa sambayanang Tayabasin.
Una ng sinabi ng alaklade sa panayam ng ng Bandilyo.PH na ang kanilang bagong bahay pamahalaan ay layung magbigay ng komportable at kombinyenteng serbisyo publiko ng mga opisina ng lokal na pamahalang lokal sa kanilang mga kababayan.