Focus Group Discussion VAWC Referral System inilunsad ng Soroptimist International of Lucena City, Upang tulungan ang mga babaeng naaabuso
Sa paggunita ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso isang Focus Group Discussion Violence Against Women and their Children (VAWC) Cases Referral System ang inilunsad ng Soroptimist International of Lucena City. Layuning tulungan ang mga kababaihan na biktima ng karahasan at kung paano ito mapipigilan.
Sa Focus Discussion Referral System na ito inimbitihan ang City Social Welfare Development Office, Public Attorney’s Office, Committee Chairman ng Social Welfare ng LGU, Womens Disk Officer ng iba’t ibang Barangay, Religious Sector, DepEd, at mga Women and Children Protection Desk officer ng PNP Tayabas, Lucena City at ng Quezon Police Provincial Office para adopt-a-PNP WCPD Project upang pagtulungan ng iba’t ibang ahensya ang karapatan ng mga survivor ng Violence Against Women and their Children upang tuluyang makapagbigay ng tamang serbisyo sa pamamagitan ng referral network na kinapapalooban ng iba’t ibang ahensya sa pamamagitan ng Referral System
Sinabi ni Prosecutor Laura Jean Abando ang Presidente ng Soroptimist International of Lucena City sa tulong ng iba’t ibang ahensya nais nilang isalba sa pagiging biktima ng karahasan ang mga babae sa pamamagitan ng iba’t ibang posibleng programa.
“Hindi lang naman po ito sa gobyerno pati ng NGO upang magkatulungan po sila, tayo upang maging effective po ang pagtulong natin sa mga kababaihan marami po kasi sa atin ay ang iniisip lang kung ang biktima po ay may problema legal na problema lang po ang concern nila sa amin pong paniniwala hindi lang iyon dahil ang isang biktima ay magiging biktima kung hindi magiging maayos ang kanyang buhay.”
Sa pagsisimula ng Focus Group Discussion ang bawat opisyal ng ahensyang dumalo ay naghayag ng kanilang mga tungkulin o gawain sa pagtugon ng iba’t ibang concern patungkol sa VAWC.
Ayon kay Lucena City Coun. Nicanor Pedro Jr. ang committee chair ng Social Welfare ng Local Government Unit of Lucena City, sa tulong ng iba’t ibang organisayon o ahensya dapat mas mapatatag ang kakayahan ng mga kababaihan lalo ng mga ina ng tahanan halimbawa sa pagkaroon ng sariling pinagkakakitan upang hindi nanatiling nakatali sa pang-aabuso ng asawa man o kapareha.
Ang bawat isa sa bulwagan ay binigyan ng pagkakataon na mag bahagi ng kanilang karanasan sa pagtugon sa VAWC at magbigay ng mga suhisyon patungkol sa usapin kung paano ba tuluyang misasalba sa tila nakagapos na suliranin, ito ang mga mahihinang kababaihan at bata sa kamay ng mga mapang-abuso.
“Sa too lamang gusto rin po naming mapag-usapan dito kung anu-ano pa ba yung pwede nating gawin hindi lamang sa biktima kundi sa mga nakapaligid sa kanya para hindi bumalik yung nakakatakot na sitwasyon nya.”
Sa talakayang ito bukod sa kampaya sa laban sa Violence Against Women and their Children at pagtulong sa mga biktima, Women Empowerment ang isinusulong ng Soroptimist International of Lucena City, hindi lang daw dapat tuwing buwan ng Marso pinaiigting ang karapatan ng mga bata kababaihan.
Habang buhay namang struggle ito ng mahihinang kababihan kaya tayo bilang parte ng gobyerno at ng NGO na ang adbokasiya ay makatulong sa kanila, dapat ay maintindihan iyon na hindi lamang ito isang usaping womens month ito ay usaping panghabang buhay
Marso 4, 2023 ng ginanap ang programa sa isan Restaurant sa Lucena City, dumalo rin at nakiisa ng chief of police ng Lucena City.