News

Giyera kontra lamok idineklara sa Lalawigan ng Laguna

Naglunsad ng isang programa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ng isang programa para sa pasg-iwas sa mga sakit na dala ng lamok. Inilunsan sa Laguna kamakailan ang TODO Alaga, May Tsekap na, may Operasyon pa at Laguna’s War Against Mosquitoes upang magsilbing behikulo ng mga taga-lalawigan sa paglaban sa lamok at sakit na maaaring dala dala nito.

Kaakibat ng pamahalaang panlalawigan ang Regional Office ng Department of Health na nagbibigay ng karagdagang kaalaman sa pag-iwas sa sakit at kung papaano maiiwasang mamahay ang mga lamok sa isang partikular na lugar. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang Advocacy Walk at Zumba kasama ang lahat ng Barangay Health Workers at kawani ng Provincial Health Office sa Laguna.

Ang programa ay bilang pagtalima naman sa Resolution number 220 at Ordinance number 4 o ang Provincial Ordinance for the Control and Prevention of Mosquito Vector Borne Diseases. Kasabay din ng aktibidad ang pirmahan ng Memorandum of Agreeement o MOA para sa isang Surgcal Caravan sa Lalawigan ng Laguna.

Pin It on Pinterest