News

Gov. Jayjay umamin! Maraming Quezonians hirap sa buhay!

“Hindi dapat maging bulag sa realidad na marami pa rin sa ating mga kababayan ang nabubuhay na mahirap. Marami pa rin sa mga kabataan natin ang hindi kumakain ng tama.” Isang malinaw na deklarasyon ni Quezon Governor Jayjay Suarez sa huling bahagi ng kanyang isa’t kalahating oras na State of the Province Address na isinagawa noong isang araw sa Quezon Convention Center. Idinagdag pa ni Suarez ang ulat na aniya’y hindi naaalagaan ng husto ang mga buntis, ang kawalang katiyakan ng mamamayan sa malinis na tubig na maiinom at kung angkop ba ang kapaligiran nito para mabuhay ng maayos. Isa anyang bata sa bawat apat na may limang taong gulang pababa ay malnourished ang paghahayag pa ng Gobernador. Inihayag nito ang ibubunga ng naturang kondisyon – lalaking sakitin, magiging palaabsent sa klase, hindi makakatapos ng pag-aaral, kaya anya pa napakaliit ng tsansang makahanap ng maayos na trabaho. Paano niya maiaahon ang sarili at pamilya sa kahirapan at papaano magiging produktibong mamamayan, ang tanong pa ni Gov. Suarez. Tinugon anya ito ng Q1K – Quezon’s First 1,000 Days of Life, ang masiglang paghahayag ng Gobernador. Tututok raw sa unang isang libong araw ng buhay ng isang bata mula sa sinapupunan hanggang edad dalawang taon ang programa ayon kay Suarez. “The first 1,000 days of life is the most crucial period in shaping the brain’s architecture,” ang may kasiguruhan pang pahayag nito. Simple lang ang layunin ng Q1K, paliwanag ng gobernador – na ang bawa bata ay lumaking malusog, matalino at may kakayahang maging produktibo. Bagay anyang nakasalig din sa paniniwala ng United Nations Development Program (UNDP) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) – “when investments prospects become better,” ang pagbibigay diin pa ni Suarez. Binanggit din ni Suarez ang mga nasimulan na sa Q1K program:

1 – Insentibo sa mga tricycle drivers sa bayan

ng San Antonio na naghahatid ng mga

buntis sa Health Clinic para sa check up at

lying-in clinic sa panganganak;

2 – Pamamahagi ng potable water coupons sa

San Francisco, Padre Burgos, Catanauan at

Macalelon;

3 – Maternal ang child health care program

sa Lungsod ng Tayabas; at pagiging 100%

Zero Open Defecation Municipality ng

Buenavista.

May mga nauna pa ring baby books na ipinamamahagi, ang naging paglalahad pa ng Gobernador sa programa. Nick Pedro III

Pin It on Pinterest