Greenthumb Farming School, kauna-unahang learning site for Agriculture sa bayan ng Atimonan
Pagkakaroon ng mga institusyong makakatuwang ng lokal na pamahalaan para lalo pang mabigyang kapasidad ang mga magsasaka ay bahagi ng layunin nina Mayor Ticoy Mendoza kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Zenaida Veranga.
Kamakailan binuksan na ang Greenthumb Farming School sa Brgy. Sokol, ang kuna-unahang farming school sa bayan ng Atimonan na accredited ng Learning Site for Agriculture- Agricultural Training Institute (ATI) ng Department of Agriculture (DA) at TESDA.
Kasabay nito ang pagpirma at paggawad ng Sertipiko ng Pagkilala sa pamamagitan ng DA-ATI sa pangunguna ni Dr. Rolando Maningas, ATI Director IV-A at Ms. Sol Leal sa Greenthumb Farming School na pagmamay-ari ni Nieves Sarte na sinaksihan ng Sanguniang Barangay ng Sokol sa pamumuno ni Kap. John Juanito Inoy.
Sa kooperasyon ng Office of the Municipal Agriculturist sa pamumuno ni Pedro B. Gariguez Jr. ay naging matagumpay ang launching ng nasabing Learning Site for Agriculture.
Layuning nito na maging instrumento sa pagbibigay at paglilinang ng kaalaman ng magsasaka at mga nagnanais matuto sa pagsasaka para sa “Masaganang Ani, Mataas na Kita” tungo sa lalo pang pag-unlad ng bayan ng Atimonan.