Ground breaking ceremony para sa malinis na tubig isinagawa sa Brgy. Barra, Lungsod ng Lucena
Nagdaos kamakailan ng groundbreaking ceremony sa Lungsod ng Lucena para sa ‘Barra Clean Water Supply Project’ ng Rotary Club of Melbourne Australia katuwang Rotary Club of Lucena Central, Kongregasyon ng Daughters of Charity of Sacred Heart College, lokal na pamahalaan at ang GHD Philippines sa pamumuno. Layunin ng proyekto na makapagbigay ng malinis na inuming tubig na magagamit ng mahigit apat na libong residente ng barangay Barra upang mailayo sa mga sakit na dulot ng maduming tubig.
Dinaluhan ni Lucena City Mayor Dondon Alcala ang aktibidad upang sumuporta at maipaabot ang pasasalamat sa mga grupo na nagtulong-tulong upang mabigyan ng malinis na tubig ang mga residente ng Barangay. Ayon kay Alcala, sa loob ng dalawa at kalahating taon isasagawa ang pagpapatubig dahil na rin sa inisyatibo ng Rotary Club International at Rotary Club of Lucena Central.
Samantala agad namang ibinigay ni Mayor Alcala ang ilang pangangailangan pa ng proyekto,sinabi pa nitong ilang panahon na lamang ay magkakaroon na ng mapagkukunan ng sariling potable water ang mga residente ng barangay Barra at hindi na kailangan pang bumili sa Brgy. Cotta na kinakailangan pang gumamit ng bangka.