Groundbreaking ceremony sa itatayong 2-storey building sa Pahinga Norte Elementary School sa Candelaria, Quezon, isinagawa
Pinangunahan ni Quezon Province Gov. Dra. Helen ang groundbreaking ceremony sa itatayong 2-storey 4-classroom school building sa Pahinga Norte Elementary School sa bayan ng Candelaria, Quezon.
Ito’y bilang bahagi ng layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na palakasin at pagandahin pa ang sistema at pasilidad ng pampublikong paaralan.
Ang naturang proyekto ay bahagi ng programa ng LGU Quezon na gawing makabago ang mga pampublikong paaralan sa ilalim ng HEALING Agenda ni Gov. Dra. Tan na naglalayong saklawin ang mga aspeto ng mabuti at epektibong pamamahala.
Kasama ng gobernadora sa aktibidad sina Mayor Ogie Suayan, Board Member Vinette Naca-Alcala at ang pamunuan ng Pahinga Norte ES ay matagumpay na naipagkaloob ang proyektong pang-imprastraktura na lubos na makatutulong sa edukasyon ng mga kabataang Quezonian.