Gumaca, Quezon, idineklarang insurgency-free
Idineklara na bilang insurgency-free ang bayan ng Gumaca, Quezon sa mga komunistang teroristang grupo kamakailan.
Pinangunahan nina Gumaca Mayor Webster Letargo, PCOL. Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon PNP at Department of Interior and Local Government o DILG-4A Regional Director Ariel Iglesia, ang pagpirma sa Memorandum of Understanding na nagdedeklara na ang naturang bayan ay isang ligtas at communist terrorist-free bilang bahagi ng deklarasyon nito na may Stable Internal Peace and Security.
Lumagda rin sa kasunduan sina Phil. Army 85th Infantry Battalion commander LTCol. Joel Jonson, Quezon Police Mobile Force Company commander PMajor Deo Calawit, Gumaca police station Chief PMajor Reden Romasanta, mga barangay officials, mga kinatawan ng pribadong sektor at iba pang opisyales ng pamahalaang lokal.
Ipinaabot naman ni Mayor Letargo ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong at naging bahagi ng kanilang adhikain lalo na sa hanay ng militar at pulisya upang ang kanilang bayan sa matagumpay na pagsisikap na matamo ang maayos at matahimik na lugar.
Sinabi ni Letargo ngayong insurgency-free na ang Gumaca, maari nang mamuhay ng tahimik ang mga lokal na residente nito.
Samantala, ang bayan ng Macalelon ay una nang idineklara noong nakalipas na taon na ito ay insurgency-free.