News

Guro, indigent students sa Tayabas, tumanggap ng financial aid mula sa LGU

Nasa humigit-kumulang 800 guro ang tumanggap ng financial subsidy mula sa City Schools Division of Tayabas City nitong Martes, Disyembre 27.

Ang naturang subsidiya ay mula umano sa lokal na pamahalaan ng Tayabas.

Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamamahagi ng halagang tatlong libong piso (P3,000) sa mga guro ng DepEd-Tayabas.

Sa mensahe ng alkalde, sinabi nito na batid ng lokal governmnet ang mga naging sakripisyo at hirap ng mga naturang guro sa pagbibigay ng serbisyo lalo’t higit noong kasagsagan ng pandemya kung kaya’t ang pamamahagi ng financial subsidy ay bilang sukli sa kanilang mga pagsisikap.

Samantala nito ding Martes ay namahagi din ang lokal na pamahalaan ng Tayabas ng educational assistance sa mga kwalipikadong indigents students.

Ito ay sa ilalim ng Dagdag Baon Educational Assistance Program ng LGU Tayabas na nagkakaloob ng apat na libong piso (P4,000) para sa college students at dalawang libong piso (P2,000) para sa mga senior high school indigent students na pumasa sa mahigpit na pamantayan para mapabilang sa programa.

Tinayak naman ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na patuloy ang Dagdag Baon Program upang makapagbigay tulong sa mga mag-aaral na Tayabasin nang sa gayun ay maabot ang isang maganda at progresibong Lungsod ng Tayabas.

Pin It on Pinterest