Halagang piso na gulay at iba pang pagkain, ibinibenta ng isang E-wallet mobile application
Sa mahal ng presyo ng mga bilihin ngayon kabilang ang mga gulay, sa bahagi ng Rizal Street sa Lucena City umaga ng Nov. 19, 2022 sa halagang piso nakabili ng isang supot na gulay si Jomelyn gamit ang kanyang E-Wallet Account.
Nang makita n’ya ang promo na ito, kaagad n’ya itong in-avail sa halagang piso isang supot na gulay ang kanyang nabili.
“Malaking tulong tsaka sulit siyempre sa mahal ng bilihin ngayon so dito nakatipid nang Malaki,” sabi ng consumer na si Jomalyn.
Isa lang siya sa maraming consumer na may e-wallet account na nakabili ng gulay at iba pang produkto gaya ng itlog sa halagang piso.
Handog ito at pasasalamat ng isang e-wallet mobile application para sa kanilang mga mobile wallet user at bahagi rin daw ng pag-promote ng cashless payment and scan-to-pay transaction para sa mas ligtas na transaksyon.
Ang kanilang pwesto sa bahagi ng Rizal Steet umaga pa lang dinumog na ang kanilang ini-oofer na pisong gulay. Mabibili gamit ang wallet account sa halagang piso ang tatlong pirasong itlog. Sa halagang piso, makakabili rin ng kalahating kilo ng repolyo, tatlong patataas na may kasamang tatlong saging. Piso rin ang halaga ng ¼ na kalabasa, tatlong talong at isang tali ng sitaw na nakalagay sa isang supot at ibang mga gulay ang mga naunang naubos at pinag-agawan.
“Ay malaking katipidan gawa ng piso lang eh siyempre naghahangad ng makamura gawa ng mahal ngayon ng mga bilihin,” sabi ni Aling Elena.
“Kailangan may GCash account po mo na tayo para maka-avail po tayo Treat ni Gcash na Piso Gulay,” sabi ni Eloisa Serviente, GCash ambassadress.
Para raw maraming maka-avail, isang item lamang ang maaring mabili ng isang naturang e-wallet account.
“Sir basta sa isang GCash account isang process lang tayo isang piso lang po tayo sa isang account isang item lang sir para ma-treats din naman ‘yung iba,” saad ng GCash ambassadress.
Sa nasabing lugar mananatili pa sila rito hanggang November 19. Una na silang naggawa nito sa bahagi ng Lucena City Public Market kung saan may Piso Gulay rin.
Sa Lucena City, una na silang nag-offer ng Piso Chami sa bahagi ng Perez Park at Piso Longganisang Lucban sa Grand Central Terminal, Piso Habhab sa SLSU at Piso Milk Tea sa Bayan ng Sariaya.
Nakatakda rin silang magkaroon ng Piso Palabok sa Quezon National High School at Piso Buko Shake sa Paseo sa November 21-23, Piso Pinagong naman sa Sariaya Public Market sa November 24-25.
Ang treat ng naturang e-wallet mobile application ay kasalukuyang ginagawa nationwide.