News

Hand-on Training/Tutorial para sa Credit Information System Isinagawa sa Batangas

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) ang hands-on tutorial ukol sa Credit Information System sa mga kooperatiba kamakailan. Ito ay bilang pagsunod sa Republic Act 9510 o Credit Information Act. Nasa 145 participants na kinabibilangan ng mga bookkeepers at compliance officers mula sa malalaking kooperatiba sa lalawigan ang nakibahagi.

Ang RA 9510 ay siyang nagtatakda nang pagkakaroon ng CIS sa buong bansa partikular ang nabibilang sa financial operations at services upang mas mabilis at maayos ang pagkalap ng impormasyon upang maging madali ang pagproseso ng pagpapautang ng mga kooperatiba. Mahalaga ito upang maiwasan ang pagbibigay serbisyo sa mga delingkwenteng credit applicants.

Ilan sa mga tinalakay sa seminar ang kaalaman ukol sa CIS, CIS technical overview and Excel template, file encryption, rules on field validation at Excel file conversion to text format procedures. Bahagi rin dito ang basic consolidation of credit data, central registry and credit information repository at pagtatalaga ng reliable and standardized information on credit history and borrowers financial condition.

Pin It on Pinterest