News

“Handang handa na ako” – Bokal Alona Obispo

Mula sa pagiging graft ridden ay gagawing kong “INVESTMENT DRIVEN ECONOMY” ang Lungsod ng Tayabas. Sa panayam ng 92.7 Brigada News at Dyaryo Bandilyo kay Bokal Alona Obispo ng unang distrito ay sinabi nito na kapag nahalal syang mayor sa 2016 ay naka focus sya sa economic development at social infrastructure ng lungsod upang mas madaling makamit ang kaunlaran at mahango sa kahirapan ang mga mamamayan ng Tayabas. Aniya, binuo nya ang (8) eight point executive agenda na magiging batayan ng kanyang paglilingkod sa Tayabas tulad ng economic, infrastructure, tourism, health, education, livelihood, and employment, peace and order at social services! Ayon kay Bokal Obispo, kailangang magkaroon ng “QIP o Quick Impact Projects” tulad ng pagsasaayos ng mga tulay sa Barangay, farm to market roads at mga bagong silid aralan bilang pagsuporta sa K12 progam ng DEPED. Plano nyang kausapin ang pamunuan ng Ateneo de Manila at isa pang unibersidad upang makapag branch-out sa Tayabas para mapataas ang kalidad ng edukasyon. Ang proyektong “Linking bridges to progress” ay inihanda rin daw ni Bokal Obispo para palakasin ang turismo ng siyudad dahil maraming tulay sa Tayabas na ginawa pa sa panahon ng kastila upang magkaron ng connectivity ang mga barangay at bahagi na rin ng kultura at kasaysayan ng lungsod. Itataas din daw nito ang antas ng serbisyo at pasilidad ng health centers sa mga barangay upang maalagaan ang kalusugan ng mga bata at inang nanganganak. Kasabay ng pagpapagawa ng City hospital sa ilalim ng Public-Private Partneship o PPP’s progam. Bahagi naman ng kanyang economic agenda ay rerebyuhin niya ang land use plan ng siyudad at kung kailangang baguhin ito ay kanyang gagawin upang maging akma sa bagong panahon. Ito anya ang magtatakda sa business growth center na lulugaran ng investments na gagabay sa mga investors na tutulong sa job creation ng lungsod. Sinabi pa ni Bokal Obispo na maglalaan din sya ng pondo para sa Human capital investment na magbibigay ng kasanayan at karunungan sa labor sector ng lungsod upang maging globally competitive at multi-skilled workers bilang paghahanda ng lungsod sa ASEAN Economic Integration na magsisimula sa 2016 Aniya, “Tayabas City has experienced economic drought more than a decade and this plan will be totally addressed by putting in place economic development activities formulated to fast tack economic growth in Tayabas, that was set aside by the past administration for one reason or another. But the people of Tayabas must participate in the effort by putting the right leader who knows exactly what has to be done for the city and its people.” Nang tanungin si Bokal Alona Obispo talagang handa na syang lumabang mayor ng Tayabas sa 2016 election, kaagad na sinagot ito na “Handang handa na ako!” Kumpleto na rin daw ang gupo niya. Bahagi rin daw ito ay ang pag-aaral sa ibang bansa kaugnay sa good governance upang malaman ang maging epektibo at mabuting pinuno. ACE FERNANDEZ

Pin It on Pinterest