News

Hazard Pay para sa mga miyembro ng Quezon PDRRMO, aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan

Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang isang ordinansa na magbibigay ng sa mga miyembro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng hazard pay para sa paggampan ng kanilang tungkulin sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Sa ordinansang inihain ni Quezon 2nd District Board Member Vinnette Alcala-Naca, chairman ng Committee on Disaster Management, mapagkalooban ng P2,500 insentibo kada buwan ang mga kawani ng Quezon PDRRMO.

May kabuuuang 38 PDRRMO personnel ang makakatanggap ng naturang insentibo.

Paliwanag ng bokal, tuwing may kalamidad tulad ng bagyo, lindol, o malawakang pagbaha, naririyan ang disaster responders na ibinubuwis ang buhay.

“Alam naman po natin na ang atin pong mga kasamahang manggagawa sa PDRRMO ay kahit po hindi pang-bagyo lang, maging sa iba pang sakuna. Sila po ay rumeresponde kung kaya po minarapat po ng lupong ito na sila ay aprubahan na mabigyan ng hazard pay dahil buhay naman po ‘yung nakataya,” saad ni Alcala-Naca.

Nilinaw ni Alcala-Naca na matatanggap ng mga empleyado ang hazard pay kahit walang deklaradong kalamidad at hiwalay ito sa buwanang sweldong natatanggap ng mga kawani.

Pin It on Pinterest