News

Health care programs, isa sa mga nais tutukan ng Brgy. 11 para sa taong 2023

Patuloy daw na tututukan ng Pamahalaang Barangay ng Barangay 11 sa Lungsod ng Lucena ang kanilang health care programs para sa asistensyang medikal, libreng pagbibigay ng mga gamot at bitamina sa mga residente at iba pang medical procedures ngayong taong 2023.

Ito ang sinabi ni Punong Barangay Peter Daleon sa panayam ng Bandilyo at 89.3 Max Radio FM.

“Yung continuity lang nung ginawa ko simula nung maupo ako, tinutukan ko agad yung sa health care so nung 2019 ay make sure na meron na tayong donations sa Annual Budget at doon at doon nakakapagbigay tayo ng medical assistance sa mga hospital bills kahit papaano kahit tumbas manipis nakakapagbigay tayo galing sa Donations at sa medicines katulad nung Annual purchases ng medicines ang ginawa ko for 2022 nagpurchase kami nong for the year 2022 at bago matapos ang taon nag supplemental budget nag-allot na ako ng pagbili ulit ng medicines para sa 2023 yan ay December”.

Sinabi pa ni Daleon, makikipag-ugnayan siya sa isang botika ng gamot sa lugar para maibigay ang mga kakailanganing gamot ng kanyang mga kabarangay sa oras na sila ay humingi ng medisina lalo na kung walang maibibigay ang barangay base sa dala nilang reseta ng gamot.

“So ang naisipan ko at naobserbahan ko kasi yung aming mga binibiling medicines merong dadating na kabarangay namin na may dalang reseta na wala naman don sa medicines na nasa health center ang kailangan nila so kaya nagpurchase na ako ng medicines ng 2022 para sa 2023 at ang gagawin ko don sa budget ng 2023 yung resetang dala nila at hindi nila makuha yung gamot dahil wala si health center kakausap ako ng botika sa dami ng butika dito sa amin ng drug store, makikipag arrange ako para susulatan ko nalang yung drug store at ibibigay yung kailangang gamot nung aking constituents kukunin na lang nila sa ganong paraan na serbisan pa rin namin at naibigay namin yung gamot na kailangan nila”.

Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga mamamayan ng nasabing barangay na hirap sa buhay na makapagpagamot sa pamamagitan ng pagbibigay ng asistensiyang medikal, gamot at tamang health education hanggang sila ay gumaling at maari ng mamuhay ng hindi na umaasa sa iba.

“Hindi lang naman health care pero isa sa mga importante yan kasi sabi nga natin bawal magkasakit, mahal magkasakit so napagkwentuhan nga natin kanina na meron akong tinutulungan na nasa Maynila na kabarangay namin yun yung problema kasi ng mamamayan ng kahit saang barangay yung magkasakit kaya napakahirap so kinakailangan kahit papaano, matugunan, makatulong ang barangay plus syempre ang tulong ng city government na napakaganda ng social services so para pina-pattern lang natin sa ginagawa ng city government pero dahil maliit lang ang budget kahit paano nakakatulong ang barangay”.

Bukod dito, mas paiigtingin pa raw ng barangay ang pagpapatupad ng solid waste management sa nasasakupan na kung saan plano ng Punong Barangay na bumili ng garbage truck ngayon taon para sa mas maayos na pangangasiwa ng basura.

Gayundin ay mas paiigitingin din ang kanilang mga programa ukol sa peace and order para sa mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanilang komunidad.

Pin It on Pinterest