Health facilities sa Polillo at Burdeos, Quezon, ininspeksyon ng DOH-Calabarzon
Nagsagawa ng inspection ang Department of Health – Calabarzon sa iba’t ibang health facility sa munisipalidad ng Polillo at Burdeos, Quezon upang matiyak na naibibigay ng mga ito ang kalidad na pangangalagang pangkalusugan o healthcare sa pamayanan na nakapaloob sa Universal Healthcare.
Mandato ng pamahalaan na tiyakin na ang bawat Pilipino ay makakatanggap ng abot-kaya at de-kalidad na benepisyong pangkalusugan. Kabilang dito ang pagbibigay ng sapat na health human resources, health facilities, and health financing.
Kaugnay nito, pinangunahan ni DOH Center for Health Development Calabarzon Regional Director, Dr. Ariel I. Valencia kasama si Quezon Governor Angelina Helen Tan, Vice Governor Anacleto Alcala III, Quezon Provincial DOH Officer Dr. Juvy Paz Purino at ilang DOH staff ang blessing ng Rural Health Unit (RHU) sa Polillo, Quezon Province at Sea Ambulance na makakatulong sa panahon ng emergency.
Bukod dito, nagkabit din ang ahensiya ng mga treated nets sa mga bintana ng Polillo Central Elementary School at Burdeos Central Elementary School bilang bahagi ng kanilang Dengue Prevention Program/ Vector Control Program.