Hemodialysis ng Quezon Medical Center handang serbisyuhan ang mga Quezonian
Ibinahagi ni Dr. Rolando Padre, Medical Director ng Quezon Medical Center ay nagumpisa Hemodialysis unit ng ospital sa mga makina o Hemodialysis machines na refurbished o reconditioned na mga kagamitan. Dahil sa kagustuhang makapag-serbisyo sa mas maraming kababayan sa Lalawigan ng Quezon ay nagawang dagdagan ang mga ito. Taong 2013 ayon pa rin kay Padre ay nagkaroon ng anim na brand new na hemodialysis machines na magagamit ng mga kliyente ng QMC. At sa kasalukuyan, ipinagmalaki ng QMC Medical Director na labing dalawang units na ang maaaring magamit sa hemodialysis ng ospital.
Sa labing dalawang makina ng Quezon Medical Center ay sampu dito ang nagagamit ng regular. Ang isang unit ayon kay Dr. Padre ay nakadedika para sa mga mayroong Hepatitis B upang hindi maka-kalat ang nakakahawang virus. Ang isa naman ay naka-standby para sa mga emergency cases upang agad na magamit kung may mangangailangan.
Sa kasalukuyan ay mahigit 150 linggo linggo ang nase-serbisyuhan ng mga dialysis units ng QMC ay nagbabalak pang mag-expand sa mga susunod na panahon ayon kay Dr. Rolando Padre.