News

Higit 2K senior citizens sa Atimonan, nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD

Isinagawa nitong Sabado ang pay-out ng Unconditional Cash Transfer Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A sa ba yan ng Atimonan, Quezon.

May kabuuang bilang na 2,170 senior citizens ang naging benepisyaryo ng naturang programa na nakabatay sa data ng taong 2018.

Ayon sa lokal na pamahalaan, noong 2019 pa sana nakatakdang mai-release ang additional cash assistance ngunit dahil sa pandemya ay nahinto ito at ngayong taon lang muling naisagawa.

Dagdag pa ng LGU, sa kadahilanang ito ay hindi lahat ng senior citizens na tumatanggap ng social pension ay nakasama sa nasabing payout.

Tiniyak naman ng local government na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga mga nasyonal na ahensya gaya ng DSWD upang masiguradong makakaabot ang mga programa sa kanilang mga residente.

Pin It on Pinterest