Higit 4K pamilya sa Calauag, natukoy ng DSWD na mahirap

Lumagda kamakailan ang local government unit ng Calauag, Quezon ng data sharing agreement sa Department of Social Welfare and Development Field Office IV-A para sa paggamit ng Listahanan 3 database para sa kanilang mga social protection programs at services.

Ang Listahan 3 ay isang database ng mga pamilya na natukoy ng DSWD na mahirap at nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan.

Sa datos ng Listahanan, natukoy na nasa 4,600 pamilya sa nasabing bayan ang maituturing na mahirap at inaasahang magiging prayoridad sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Resulta ito sa naging house-to-house assessment na isinagawa ng ahensiya simula 2019 hanggang 2020.

Pinangunahan nina Calauag Mayor Rosalina Visorde at Regional Director Barry Chua ng DSWD Field Office IV-A ang pagpirma sa data sharing agreement, kasama sina DSWD National Household Targeting Office Director Mona-Liza Visorde, Municipal Social Welfare and Development Officer Jerwin Navarro, at iba pang local officials.

Patuloy na hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga organisasyon, kabilang ang mga local government units, na gamitin ang “Listahanan 3” database bilang batayan sa pag-target o pagpili ng mga benepisyaryo para sa kanilang mga programa at serbisyo para sa mahihirap.

Pin It on Pinterest