News

Higit P3M na halaga ng Shabu nasabat sa Lucena City, tatlo arestado

Mahigit 3 Milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng Lucena PNP sa ginagawang buy-bust operation sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Arestado ang tatlong drug suspek sa nasabing operasyon kabilang ang isang 47 -anyos na ginang na si Lorebeth Andaya Berba kabilang sa High Value Individual Watchlist residente ng Akap Village Purok Little Baguio II ng naturang barangay, Edward Herrera Sales, 50 anyos, residente ng Brgy. 9, at Andrew Geromo Azagra, 29 anyos, residente ng Brgy. Ungos, Real Quezon.

36 ng sachet ng hinihinalang shabu ang narecover sa mga ito ng mga awtoridad na umabot ng 153 gramo ang timbang na tinatayang P 3,125,280.00 ang street valaue.

Sa Report ng Lucena PNP, mag-aalas 10:00 ng umaga January 4, 2023 ng isagawa ang operasyon sa Akap Village Purok Little Baguio II Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City laban sa mga suspek matapos umanong mavalidate ang impormasyon mula sa komunidad hingil sa ilegal drug trade sa lugar.

Positibo sa buy bust operation ang mga suspek matapos umanong mabilhan ng isang police na nagpanggap na buyer ng shabu ang mga suspek.

Nabawi sa mga ito ang 4 na pirasong isang libong pisong boodle money at isang tunay 1,OOO piso bill na ginamit bilang buubust money.

Nakakulong ang tatlo sa Custodial Facility ng Lucena City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022

Pin It on Pinterest