Higit pisong bawas presyo sa langis, mga tsuper hindi kuntento
Mahigit piso ang bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo na kahit paano ay malaking bagay lalo na sa mga pumapasadang tsuper.
Pero ang ilang Jeepney Driver sa Lucena City hindi kuntento sa oil price rollback, nanatili pa rin daw na mataas ang kada litro ng diesel, talo pa rin sila sa maghapong pamamasada.
“Hindi pa rin mataas parin yun, dapat mas mababa pa”
“Hindi pa sapat yoon sa aming mga driver dahil sa pamamasada tsempuhan lang kaya piso yoon na rollback ay hindi siya sapat”
Sabi ng ilang tsuper kung mga tres pesos man lang sana ang tapyas sa presyo kahit paano raw ok na rin.
“Kailangan mga atleast ay tres ang rollback para makadagdag ng kita.”
Ang ilang sinabing kung bumababa man lang sana ng kahit 50 pesos ang kada litro ng krudo, kahit paano may laban daw sila sa maghapong pamamasada.
“Kahit mga 50 ok na ‘yun”
Na tila daw na malabong mangyari sa kalagayan ngayon na taas baba ang presyo ng langis.
“Ano lang yan taas baba taas baba.”
Sa isang kilalang gasolinahan sa Quezon Avenue sa Lucena City 57. 56 pesos ang presyo ng kada litro ng diesel, umaabot sa 62 pesos ang presyo ng kada litro ng gasoline.
Ayon sa mga jeepney driver, higit pa sa mataas na presyo ng produktong petrolyo ang kanila ngayong alalahin, higit na nangangamba na mawalan ng hanapbuhay sa pagpapatuad ng jeepney modernization program.