News

Hindi ako minorya, hindi rin ako sa mayorya –Cong. Vicente Alcala

Hindi kasama sa minorya o kabilang kaya sa mayorya si Cong. Vicente Alcala ng Ikalawang Distrito sa Lalawigan ng Quezon. Ito ang sinabi ng Congressman sa exlusive interview ng Bandilyo TV. Ayon kay Alcala, kapag maganda para sa mamamayan ang mga panukalang ipinapasok sa kongreso ay sinasamahan niya ito. Pero kung hindi naman anya tama sa kanyang panlasa o paniniwala ay sinisikap niyang ipaliwanag ang kanyang panig kung bakit hindi ito sumasang-ayon sa nais pa-aprubahang panukala.

Sinabi pa ng kongresista na mahirap daw depensahan o bumoto sa isang bagay na hindi siya sumasang-ayon o alam niyang mali kaya mas mabuti anyang hindi makabilang sa minorya o mayorya ng kongreso. Nilinaw naman ni Cong. Kulit Alcala na basta maganda ang panukala at makakabuti sa mamamayan ay walang problema para sa kanya at ibibigay niya ang suporta at boto para ito ay maisakatuparan.

Sa mga nakaraang panayam ng Bandilyo TV ay naikwento na rin ni Cong. Alcala na may mga kumakausap sa kanya noong upang suportahan ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa. Sa paniniwala ng kongresista ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Quezon ay hindi ito tama kaya hindi ito sumuporta sa pagbabalik ng death penalty.

Pin It on Pinterest