Hindi Pagbabayad ng Buwis, Isa sa mga Maaaring Diskwalipikasyon ng Isang Kandidato
Isa sa mga maaaring disqualification ng isang kandidato ay ang hindi pagbabayad ng buwis.
Ito ang pahayag ni Atty. Rey Oliver Alejandrino sa programang ‘Batas Con Radyo’ ng Bandilyo.Ph.
“Ang isang disqualification ay yung hindi pagbabayad ng buwis” ayon kay Atty. Alejandrino.
Aniya, lahat daw ng nahalal o naappoint sa gobyerno ay inuutusan ng batas na magfile ng income tax return.
Dagdag pa ni Atty. Alejandrino na sinasabi sa Presidential Decree 1994 na ngayon ay nasa Omnibus Election Code na hindi maaaring lumahok sa election, hindi maaring bumoto at perpetually disqualified ang isang public officials na hindi nagbabayad ng buwis.
“Sino mang public officials na naconvicted ng isang krimen na pinarurusahan ng batas sa tax code o hindi pagbabayad ng buwis ay hinahatulan ng perpetually disqualified from holding public officials at hindi maaaring bumoto at hindi pwedeng lumahok sa election” ayon kay Atty. Alejandrino.
Sinabi din ni Atty. Alejandrino na ito ay nakasaad sa Sec. 253 ng Internal Tax Code ang nasabing kaparusahan.