House Bill sa pagkontrol ng lamok pinaboran ng mga Lucenahin
Dahil panahon na ng ulan, natatakot ang isang mambabatas na muling aatake ang mga lamok na may dalang dengue kaya upang maiwasan ito ay oobligahin ang lahat ng mga bahay, establisimiyento kasama ang mga government offices na maglinis at ang hindi susunod, pagmumultahin.
Sa kanyang House Bill 3730, nais ni Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe na magkaroon ng Anti-Dengue Act para sa National Dengue Prevention Control Program. Layon umano ng programang ito na mabawasan kundi man tulu¬yang makontrol ang mga lamok na magdadala ng dengue lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan dumarami ang mga lamok.
Sa ilalim ng nasabing programa, magkakaroon ng regular na aktibidad sa komunidad sa pangunguna ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasama na ang mga barangay at local government units o LGUs at mga eskuwelahan.
Kailangan ding mag¬linis ang bawat pamilya sa paligid ng kanilang bahay at ang mga makikitaan ng mga dumi sa paligid na pinangingitlugan ng mga lamok ay pagmumulhatin.
Samantala hindi na, aniya, dapat maulit ang nangyari noong 2015 kung saan umaabot umano sa 200,000 katao ang nagkaroon ng dengue o mas mataas ng 80,000 kum¬para noong 2014 at 600 katao umano ang namatay.