Huwag na daw dapat pag-initan ang inutang ng pamahalaang panlalawigan na dalawang bilyong pisong halaga ayon kay Bokal Bong Talabong
Huwag na daw dapat pag-initan ang inutang ng pamahalaang panlalawigan na dalawang bilyong pisong halaga ayon kay Bokal Bong Talabong ng ikalawang distrito ng Quezon. Ang inutanang naman daw anyang ito ng pamahalaan ay gagastusin din para sakagalingan ng mamamayan. Kumpara daw sa pangangailangan ng iba pang munisipyo ay maliit lamang ang dalawang bilyon at sa katotohanan anya ay mahigit tatlong bilyong piso pa ang handang ipautang ng Landbank of the Philippines. Ibinigay pang dahilan ni Talabong na hindi naman anya 100% na maibibigay ng pamahalaan ang pangangailangan ng taumbayan dahil palagiang may pangangailangan ito kaya kailangang umutang.
Dahil sa mga kritiko ng pag utang ng dalawang bilyong piso ng pamahalaang panlalawigan ay naalala daw ni Talabong ang sinabi ng isang US president na hindi nito nabanggit ang pangalan na “ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.” Ang sumambit ng katagang ito ay si dating US President John F, Kennedy. Inihalintulad pa ni Talabong ang mga kritiko sa isang parasitiko dahil sa pagbatikos anya sa inutang ng pamahalaan. Inulit nito na dapat ay hindi nakadepende o dependent ang mamamayan sa gobyerno at sa halip ay gumawa ng paraan para tulungan ito.