FeaturesTek Tayo Bok

Huwag pindot ng pindot para iwas FB hack

Sa edisyon natin ngayon eh uulitin ko lang ang ating paalala sa mga netizens patikular sa mga gumagamit ng facebook. Kung mapapansin ninyo mula noong pinagusapan natin ang tungkol sa pagsi-siguro ng inyong mga FB accounts ay padami ng padami ang mga FB friends ang nagsisipag-post ng mas madalas ay malalaswang pictures, videos (o kunyari ay video) at kung ano ano pang links na nagpapakita daw ang hubad na katotohanan. (Oo, porno na nga! Gusto pang sabihin? Hindi pwedeng malaswa lang? Hehehe) Kadalasan prends, relatibs, kapitbahays en kantrimen ay dahil ito sa mga computer virus, o malware (malicious software, pangalan pa lang alam mo na!) Binabago ng virus ang settings ng inyong mga account at automatic na nagpo-post ng kung ano ano ang inyong FB account ng hindi ninyo alam. Kahit kayo ay pabasa-basa lang ng kilig moments o kaya naman ay nanonood ng AlDub online, basta naka log-in kayo sa inyong account eh tuloy tuloy ang post nito dahil doon sa malware. Ito din   yung sinasabi noong iba na na-hack daw ang kanilang account. Sabi naman noong isang kagawad eh “kaya pala, na-hunk pala!” Orayt! Rakenroll tuda world! Eh paano maiiwasan itong virus/malware na itey? Unang una, siguraduhin ninyo na ang settings ng iyong account ay walang nakalagay na pinapayagan ninyo (may ari ng FB account) ang kahit anong klase ng software o progam. Kapag kasi naka-on ito, lahat ng ni-like, games na nilaro at iba pa, basta may feature na magpo-post ng ads gamit ang inyong account ay ipo-post noon yon! Para naman sa mga bata at magulang, siguraduhin po natin na nagagabayan ninyo ang mga anakis ninyo kapag sila ay online. Hindi naman kailangang katabi ninyo o nakiki-FB din kayo sa account niya, bigyan ng sapat na paalala na huwag basta basta tatanggap ng mga friend request lalo pag hindi kilala. Huwag ding magkiclick ng kung ano-anong nakikita sa FB Timeline at huwag din basta basta magse-share at like ng picture, link at video kung hindi naman alam kung ano ito at kung para saan. Para naman sa magulang, bago po natin ibigay sa inyong anak ang FB account ay siguraduhing ang settings ay tama. Maganda rin yung ginagawa noong aking kakilala na meron silang usapan ng kanilang anak (10 years old) na paminsan-minsan ay bubuksan nila ang FB ng anak para ma-check kung may mga hindi dapat na i-share o i-like ang kanilang anak. Tinitingnan din nila ang settings ng FB kung nababago, katulad ng naikwento ko kanina. Bakit mo naman kailangang iwasan itong mga post na automatic na ito? Noong unang panahon kasi ng FB eh mga online games ang gumagawa nito, humihingi ng permiso ang software (yung game) na magpo-post sila gamit ang iyong account kapag ikaw ang nagle-level up, o kaya naman ay may promotion sila para mas maka-akit ng iba pang maglalaro ng kanilang software. Ayos lang naman sana yon di ba? Iba na ngayon. May mga programs o software na gumagamit na ng ganitong feature at hindi na din humihingi ng permiso o ipaalam manlang sa iyo na magpo-post ng automatic. Pinaka masama o masagwa pa nito, kadalasan ngayon ay mga pornographic materials pa ang nakalagay at napo-post sa FB ninyo na kapag pinindot o naclick ay madadamay na din ang naka-click nito ay magpo-post na rin yon ng katulad ng naipo-post sa account ninyo. Minsan po ay nakakakuha pa ng kagalit ang ganitong klaseng virus. Akala kasi noong ibang FB users ay sinasadya ng kanilang “friend” ang pagpo-post ng porn at kung ano ano pa. Kaya bago tayo mag click. Sabi ko nga noong nakaraang isyu at sabi din ng karamihan – Think before you click! Que intiende mi amigo? Nos Vemos el proximo numero! (Understand my friend? See you next issue!)

Pin It on Pinterest