Ika-181 taong kamatayan ni Heramano Puli, ginunita ng Lalawigan ng Quezon
Nag-alay ng bulaklak ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa Bantayog ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala sa tawag na Hermano Puli sa Barangay Isabang, Tayabas City bilang paggunita ng ika-isangdaan at walumpu’t isang anibersaryo ng kamatayan nito.
Si Hermano Puli ay kinikilala sa buong Probinsya ng Quezon bilang isang local hero na nakibaka para sa kalayaan sa pananampalataya ng ating mga kababayan noong panahon ng mga kastila.
Pinangunahan ni Quezon Gov, Helen Tan ang flower offering sa bantayog ng lokal na bayani kasama si Vice Gobernor Anacleto Alcala III at iba pang opisyal ng Quezon Government.
Nagkaroon ng maiksing programa sa harap ng bantayog nito na nagbabalik nataw sa kabayanihan at kadakilaan para sa kalayaan ng pananampalataya ng mga Pilipino at kung paano ito nasawi.
Nag-alay din ng bulaklak ang iba pang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, mga awtoridad, kinatawan at iba pang ahensiya ng pamahalaan
Bilang pagkilala ang Nov. 4 ng bawat taon ay idinideklara bilang isang special none working holiday sa buong lalawigan ng Quezon.
Noong panahon ng mga kastila, ipinagbabawal ang paglilingkod sa simbahan ng mga purong Pilipino na kanilang tinaguriang ‘indio’ at dahil dito itinatag ni Hermano Puli noong 1832 ang Cofradia de San Jose na nagkaroon ng 4,500 hanggang 5,000 miyembro mula sa lalawigan ng Quezon na dating Tayabas, Laguna at Batangas.
Ikinatakot ito ng pamahalaang Kastila at kanilang sinupil ang samahan noong October 23, 1841 na nagdulot ng pagkahuli at pagpatay kay Puli.
Ayon kay Governor Tan sana ay maging inspirasyon sa bawat isang Quezonian , lalo’t higit sa mga kabataan ngayon ang kanyang mga legasiyang ipinamana at sa mga susunod na panahon ay magkaroon pa ng mga makabagong bayani at patuloy na madugtugan ang kasaysayan ng lalawigan ng Quezon.