News

Ikalabing-isang taong anibersaryo ng Mannix Media 89.3 FM Max Radio at Bandilyo TV, matagumpay na naisagawa

Naging matagumpay ang selebrasyon ng ika-11 taong anibersaryo ng Mannix Media Inc. ng 89.3 Fm Max Radio at Bandilyo TV.

Sa umpisa ng programa ay ikinuwento sa pamamagitan ng isang audio video presentation kung paano nagsimula ang kumpanya at istasyon, maging ang mga pagsubok na kinaharap nito upang makarating sa kinaroroonan sa kasalukuyan.

Samantala, dumating din at nakiisa sa anibersaryo si Mr. Juanito Bong Yap Diaz, chief of staff ni Quezon Governor David Jayjay Suarez, mga konsehal ng Lungsod ng Lucena, staff ng Sangguniang Panlungsod, mga host ng programang Quezon Pulis sa pangunguna ni  PC/Insp. Elizabeth Capistrano , Mr. Nel Javelosa ng AZJ Lights and Sounds, Rotary Club of Lucena Central, REACT Philippines Paglutas Group, at iba pang mga panauhin na sa simula pa lamang ng Mannix Media ay palagian nang sumusuporta at sumusubaybay.

Sa mensahe ni Konsehal Benito “Benny” Brizuela, binate nito ang ikalabing-isang anibersaryo ng 89.3 Max Radio FM at Bandilyo TV.

“Hindi lang malakas, sobrang lakas ng antenna kinig mula sa Lungsod ng Lucena, Pagbilao, at higit pa doon umaabot pa ng Bicol ‘pag may wave, Minsan nga nakikinig ako sa Maynila, sa Laguna ay kinig pa,” pahayag ni Konsehal Brizuela.

Nagpasalamat naman ni Kon. Nicanor “Manong Nick” Pedro sa mga nagsidalo at sa patuloy na suporta ng mga ito.

Pin It on Pinterest