News

Ikatlong konsultasyon para sa RPS Off-Grid ginawa sa Lalawigan ng Batangas

Isinagawa ng Department of Energy ang public consultation on Renewable Portfolio Standards (RPS) Off-Grid kamakailan sa isang hotel sa Lungsod ng Batangas. Ayon kay Atty. Jose M. Layug Jr. National Renewable Energy Board Chairman, layon ng konsultasyon na makuha ang pulso ng mga distribution utilities (DU’s) at mga electric cooperatives sa pagbuo ng draft resolution kaugnay ng mga patakaran na siyang gagabay sa pagsasama ng renewable energy sa mga off-grid areas. Layunin din anya nito na maisulong ang pagpapalawak ng paggamit ng renewable energy resources o ang mga enerhiya na mas malinis dahil mas maganda ang epekto nito lalo na sa kalikasan at kapaligiran.

Ayon pa rito, target ng ahensya na maipatupad ito pagdating ng Enero 2018 at sa pamamagitan ng RPS pagdating ng 2030 ay 35% na ang gumagamit ng renewable energy tulad ng solar, hydro, at geothermal. Ayon naman kay Mr. Gaudencio Sol Jr., bagamat maganda ang layunin ng NREB na paggamit ng renewable energy nangangamba pa rin sila na kapag lahat ng kanilang mga kliyente ay natutong gumamit ng renewable energy na tulad ng solar na karaniwang mas madaling ma-avail sa kasalukuyan ay maaaring dumating sa puntong wala na silang seserbisyuhan pagdating ng panahon.

Ito ang ikatlong public consultation na isinagawa ng NREB matapos ang Cebu at Palawan. Nilahukan ito ng iba’t ibang kinatawan ng mga electric cooperatives mula sa lalawigan ng Romblon, Mindoro Oriental at Occidental, Marinduque, Tawi-Tawi at iba pa.

Pin It on Pinterest