Ikawalong funride ng Mannix Media Inc., umarangkada
Tuloy lang ang pagpadyak matarik man ang daan at kahit pa bumuhos ang ulan.
“Bitin pa nga po, hindi nakaabot ng Sariaya, dito lang sa Lucena,” pahayag ni Stepahnie, cycling enthusiast.
Nasa 300 siklista mula sa iba’t ibang lugar sa Lalawigan ng Quezon ang tumipa sa taunang Padyak Two Da Max ng Mannix Media Inc. noong Nobyembre 24, ito’y bahagi ng ikalabing-isang taong anibersaryo.
Nagsama-sama sa pagpadyak ang sa funride na ito ang iba’t ibang grupo ng bike enthusiast bata man o matanda, lalaki o mapababae.
Nagsimula sa harapan ng Lucena City DRRM Building, umikot at dumaan sa bayan ng Pagbilao at sa Lungsod ng Tayabas patungo muli sa Lucena.
Sa bawat pagkabig ng manibela at pagtipa ng kanilang pidal ng bisikleta ay hindi raw nila alintana ang pagod sa kasiyahang nadama.
“Masarap sa pakiramdam. Sasali ako ulit,” pahayag ni Jash Manuel, isa sa mga batang lumahok sa funride.
Higit pa sa kaligayahan ng mga siklista ang nais kung bakit may taunang pagpadyak, ayon sa pamunuan ng Mannix Media. Promosyon din ng ilang atraksyon sa lungsod at higit sa lahat ay mapalawak ang pagkakaibigan sa hanay ng cycling enthusiast.
“Makapagpromote ng pagkakaibigan, camaraderie doon sa ating mga siklista. Alam naman natin na laging nagkakasalubong ‘yong ating mga siklista, minsan hindi magkakakilala mula sa ibang bayan dito sa pamamagitan ng ating ginagawang aktibidad ay nagkakaroon ng pagkakataon na magkabonding at magkakilakilala ‘yong mga siklista sa iba’t ibang bayan,” pahayag ni Niñel Pedro, station manager ng Mannix Media Inc.
Bukod sa mga bike accessories at cash prize na handog ng mga sponsors na napanalunan sa raffle draw, tatlong magagandang bisikleta ang inabangan ng bikers.
Si Herbert Mendoza ang mswerteng nabunot sa raffle draw para sa first prize na giant bike. First time niya raw sumali at uulit muli sa susunod na taon.
Ang Padyak Two Da Max ay ikawalong taon nang isinasagawa na bahagi ng isang buwang selebrasyon ng 89.3 FM Max Radio at Bandilyo TV ng Mannix Media Inc.