Ilang Jeepney Driver sa Lucena City, dismayado sa Modernization Program
Dismayado ang maraming jeepney drivers sa Lucena City sa Jeepney Modernization Program ng pamahalaan, hindi lang daw tila pinatayan sila ng hanapbuhay, maging ang kultura ng traditional jeepney na tanging sa bansa lamang makikita ay tila unti-unti na daw mawawala.
‘’Sapol simula po, Pilipinas talagang jeepney.”
‘’Anong gagawin nalang natin dito? Bahala na baka ipakikilo na laang.”
Marami sa mga jeeney driver na deka-dekada na sa pamamasada ang hanapbuhay ang mawawalan daw ng trabaho.
Mayroong nalamang hanggang Hunyo 30 ng kasalukuyang taon ang pagbiyahe ng mga tradisyunal na jeepney. Ayon sa LTFRB Technical Division, apat na beses na nilang napagbigyan ang mga operators na magbuo ng kanilang kooperatiba bilang bahagi ng pagsulong ng gobyerno ng modernized jeepneys.
Sabi ni ng ilang jeepney driver, marami raw sa kanila ang hindi man lang daw nakonsulta sa mga bagay na ito.
Ayon sa LTFRB, magiging exempted lamang ang ilang mga traditional jeepney operators na kasalukuyan ng inaayos ang kanilang membership sa mga kooperatiba.
Samantala sabi ng ilang transport group gaya ng PISTON, hindi sila tutol sa modernization program pero hindi nila gusto ang pamimilit sa kanila na pumasok sa korporasyon o bumuo ng kooperatiba.
Sa halip daw na modernisasyon, payagan na lang sana ng gobyerno ang rehabilitasyon sa pampublikong transportasyon na aniya’y hindi masyadong mabigat sa bulsa ng mga driver at operator.
Balak naman ng Pasang Masda na humirit ng isa hanggang dalawang taong palugit para mabuo ang programa at naniniwala silang pagbibigyan ito ng pamahalaan.