News

ILANG KASALUKUYAN AT DATING OPISYALES AT EMPLEYADO NG TAYABAS, HINAHABOL NA NG COA HINGGIL SA MAHIGIT 29 MILYON PISO COLLECTIVE NEGOTIATION AGREEMENT (CNA) NA IBINIGAY NOONG 2008 AT 2009

Ipinababalik na ng Commission On Audit (COA) sa mga dating opisyales at empleyado ng Lungsod ng Tayabas ang halagang P29, 163, 944.20 na ibinigay sa mga rank –and- file na empleyado ng Tayabas noong taong 2008 at 2009 bilang bayad o pagtugon sa Collective Negotiation Agreement sa pagitan ng Lokal ng Pamahalaan ng Tayabas at Unyon ng mga Kawani ng Pamahalaang Lokal ng Tayabas (UNGKAT). Nagkaroon ng CNA ang Local Government Unit ng Tayabas at UNGKAT noong November 13, 2017 at February 4, 2008.

Sa bisa ng isang COA Order of Execution mula sa Legal Services Office Sector, Officer of the General Counsel, ipinapipigil kay Tayabas Mayor Ernida Reynoso sa pamamagitan ng Cashier ang pagbibigay ng suweldo o anumang halaga na para sa kina dating Mayor Faustino SIlang, dating Vice Mayor Venerando Rea, Luzviminda Cuadra, Estelito Querubin, Lyka Monica Oabel, Rolando Olivar, at Amelia F. Barbiera. Sakaling wala na sa serbisyo ang mga pangalang nabanggit, pinasisingil na ang mga ito ng direkta ng COA.

Nag-ugat ang naturang problema nang hindi pansinin ng lokal ng pamahalaan ang notice of disallowances ng COA sa pagbibigay ng mahigit 29 Milyong Piso sa mga rank-and-file employees ng Tayabas. Matatandaang nabalot pa ng kontrobersiya ang pamimigay ng noon ay nakilala sa tawag na CNA “bonus” dahil sa tig 50 thousand pesos lang umano ang napabigay sa bawa’t empleyado sa halip na 80 thousand pesos bawa’t isa. Ginamit umano ang ibinawas ng tig 30 thousand pesos sa bawa’t empleyado para sa mga gastusin sa pagaasikaso ng cityhood ng noon ay bayan pa lamang ng Tayabas.

Samantala, sa pamamagitan ng Sept. 8, 2015, Supreme Court Decision sa kasong FAUSTINO SILANG, ET AL., petitioner v. COMMISSION ON AUDIT, tanging si dating Mayor Silang lamang, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Tayabas, approving authorities, UNGKAT officers at members of the Board of Directors ang pinagbabayad o pinagbabalik ng naturang 29 Milyong piso kahit na hindi sila nakatanggap o nabiyayaan nito. Sila umano ang may pananagutan dahil sa kanilang aktibong partisipasyon sa approval ng hindi pinayagang insentibo ng COA.
Ang mga rank-and-file o mga ordinaryong empleyado na direktang nabiyayaan o nakatanggap ng naturang insentibo ay hindi pinagbabalik o pinagbabayad dahil ayon sa Korte Suprema, sila ay mga “passive recepients” lamang at walang direktang partisipasyon. Tinanggap nila ang pera “in good faith” and “in honest belief” na karapatdapat sila sa insentibo galing sa Collective Negotiation Agreement.

Pin It on Pinterest