Ilang lugar sa Quezon, mawawalan ng daloy ng kuryente
Nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na pansamantalang mawawalan ng daloy ng kuryente sa darating na Sabado, Setyembre 27, 2025 simula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon.
Narito ang mga lugar na apektado:
*Lopez
*Calauag
*Guinayangan
*Tagkawayan
*Quezon
*Alabat
*Perez
Ito ay upang magbigay-daan umano sa maintenance at testing ng high voltage equipment ng 5LI1GUM-LOP sa Gumaca Substation at high voltage equipment ng 5Z-XF01LOP sa Lopez Load-End Station at preventive/corrective maintenance sa kahabaan ng Gumaca-Lopez-Tagkawayan 69kV line kabilang ang pagpapalit ng structure no. (5LI1GUM-LOPOMGL-LOP) 048E.
Ayon sa Quezon Electric Cooperative I (Quezelco), agad namang ibabalik ang suplay ng kuryente kapag natapos nang mas maaga ang mga gawain.

